PBB All In: My Bets For the Big Four

Standard

Big Brother house is like a pressure cooker. Every little thing is magnified to test each housemate’s personality to reveal their real selves. Recently, that pressure inside the Big Brother house was doubled. Whoever cracks loses the battle. The recent test of characters that was meant to shake them did its job and it is now evident who should belong to the big four. The following statements are my opinion regarding the recent challenges and why they deserve the spot in the Big Four.

(CTO)

(CTO)

“Bato-bato sa langit, ang tamaan ay ‘wag magalit. Opinyon lang po, walang personalan.”

 

MY BIG FOUR

Big Winner: Jane

JANE-OINEZA-Rising-Celebriteen-ng-Quezon-City-1

Jane Oineza

Kasi si Jane yung dumaan sa pressure cooker na hindi nag crack-up. Mula doon sa time na pinagtulungan siya ng mga housemate na masyadong self-righteous hangang sa mga hamon na walang pumipili para kampihan siya, naging matatag sya at nanatiling hindi natitinag. Others would have volunteered to exit the house given the same situation, but Jane, she cried, got hurt, moved on and remained standing strong. Ang PBB ay labanan ng personalidad. The best thing about Jane is that, she didn’t let the negative things get her and she doesn’t hold grudges to her housemates. Kapag masama ang loob niya, pag naitulog, at naikain niya at narinig ang paliwanag, wala na lang sa kanya. She fought and she conquered without losing her sense of self, her principle and without stepping on other people. That’s why for me, no one else deserves to be BIG WINNER other than her.

Related Blog:  Why Jane Oineza Should be Big Winner

First Placer: Daniel

Daniel Matsunaga

Daniel Matsunaga

Dati, palagi kong sinasabi na ang housemate na late pumasok ay hindi dapat nasasama sa big four. Kasi unfair. Pero Daniel proved me wrong. Mas marami pa si Daniel napatunayan kaysa sa iba na nandoon sa loob who stayed longer. He always gave it his best shot – task, chores and even mingling with his housemates. He give advice to others, what to him will help them keep fighting the battle with him. Na-turn off lang ako sa mga panunumbat niya kay Vickie ng mga bagay na ginawa niya para dito, pero pinahanga niya ako when he admit how gravely mistaken he was and how truly sorry he was for acting like that. Wala namang perpekto.  At least he was true to what he was felt. Walang kaplastikan sa katawan. Kapag masama ang loob, masama ang loob. At marunong mag –sorry ng sincere sa alam na naging pagkakamali.

Second Placer: Vickie

Vickie Rushton

Vickie Rushton

I’d never thought that I’d see Vickie to be someone deserving to be part of the BIG FOUR. Gustong gusto ko na siyang matanggal matagal na panahon na ang nakakaraan, ang tingin ko kasi sa kanya ay isang magandang wall paper. Peron na-realized ko na mukhang ganon siya kasi hindi palaban iyong aura niya. Hindi siya confrontational. Pero hindi nangangahulugan iyon na wala siyang character. Tahimik lang siya masyado kaya hindi napapansin na binibigay naman niya ang best niya sa mga hamon ni Kuya. The last challenge before the fake eviction showed her as someone who keeps fighting despite her incapability to do a physical task. It’s not really about winning it all the time but seeing the challenge to its end. And I admire that she didn’t give up. And lately, I appreciate how she stand firm to her opinions even if it’s not the popular one or even if it meant to contradict somebody else. For once, she’s not just a wallflower anymore. She’s a wall, standing firm and strong.

Third Placer

Actually I only have a Big Three. I’d be okay with any of the remaining. Pero kasi dati si Maris sana. Pero kahit ayaw ko kay Joshua, tingin ko mas deserve niya ang pwesto na ‘to kaysa doon sa dalawang natitira. Bakit?

Joshua Garcia

Joshua Garcia

Si Joshua kasi, ayaw ko na maging big four sya dahil sa ugali niyang tamad, player, feeler and user. Oo, iyan ang tingin ko kay Joshua. Ipinaglaban pa ang katamaran. Others would say he didn’t become a housemate for the chores. The thing is, it’s not about being lazy or not, it’s about being responsible. Bilang isang housemate, ang pag gawa ng mga gawaing bahay ay tanda ng pag respeto sa may ari ng bahay, pakikisama sa mga taong naroroon na ginagawa ang bahagi nila at ang higit sa lahat ay pagiging isang responsableng miyembro ng bahay na yon. Hindi mo pwedeng sabihin na tamad ka at yon ka at kailangan tanggapin na lang nila yon. Traidor din, matapos magtapat kay Jane at hindi nakuha ang sagot na gusto, wagas na mailaglag si Jane. Pero that aside, may mga napatunayan naman si Joshua. He showed the world that he can win it he give it his best. Mali lang na ginagawa niya lang iyon sa bagay na gusto niya. Pero kompetisyon pa rin naman ang PBB. At kung ang ganap lang ni Joshua sa buhay ay manggamit ng kasama para i-angat ang sarili at pag sikapan na manalo sa all out task para hindi manominate, aba’y sige, ibibigay ko na sa kanya ang pwestong ito.

Maris Racal

Maris Racal

Si Maris. Ang daming nagsasabi na siya ang mahigpit na kalaban sa Big Four. Dahil ano? Dahil matagal na siyang hindi nanonominate at maraming imbak na pamboto ang fans niya? Dahil lagi siyang trending sa twitter? Dahil maraming naaliw sa kanyang pagkanta? I still stand to my belief that PBB is never a talent show. Ano na lang ba si Maris pag wala ang gitara nya? Kasama nga ang gitara niya nag fail pa siya. That Big Concert task was a big disappointment for me on Maris’ standing on my list. Kumanta at gitara na nga lang ang kaya mong gawin, pag dating don sa task na mag excel ka dapat nag sintunado ka pa. At kagabi, after noong Big Bida awards, noon ko higit na napatunayan na maski sa personality hindi mananalo si Maris sa totong kahulugan ng PBB bilang reality show. Another disappointment was when she cried on Daniel. She comes off to me as someone seeking for sympathy. Simpatya para sa taong trinaidor nya sa botohan. Ni hindi niya nagawang panindigan ang pakikitungo niya kay Daniel. Sa bagay ano bang aasahan ko? It was not the first time, she did it to Loisa too. She would throw anybody off the boat to save herself. Plastic. She’s always being chummy with Jane when in reality she was bitter with the nomination that has happened. Never tell its okay if it’s not. Sabagay, it’s a competition. She said she’s not competitive but now I see she has her own strategies too.

Loisa Andalio

Loisa Andalio

Si Loisa. Hindi ako hater ni Loisa. I will never be. Pero lately nakakainis ang inaakto niya. Nakaka- confuse ang ugali niya. The thing about Loisa, I think she’s good at silently manipulating people. Bakit ba inis na inis ang mga ex-housemate kay Jane? Kung babalikan natin ang pangyayari, iyon ay dahil sa pag iinarte ni Loisa dahil sa paglayo sa kanya ni Joshua. Tapos ngayon, back to square one. Akala ko tapos na ang “Joshua the Torn in Loisa and Jane’s PBB Life Saga”, hindi pa pala. Apparently, sa nakikita ko, si Loisa ang totoong may gusto kay Joshua at si Loisa ang totoong nagseselos sa naging closeness ni Jane at Joshua. Kaya ang plastic ng pagsasabi niya na wala lang yon sa kanya at wala lang sa kanya si Joshua. At mas plastic na palaging pag kaharap si Jane okay lang, pag nakatalikod ang daming opinion. Loisa needs to grow up and move on. Pero kung talent show ito, I’ll go for her and Maris to be part of the Big Four. She sings well. I’d say she even sings better than Maris. At kaya hindi niya kayang sabihin kay Fifth na deserve niya maging Big Winner, iyon ay dahil sa loob niya mismo, alam niya na kulang pa ang napatunayan niya.

 

PBB is a competition of character and personality. Hindi lang ito basta kung nagpakatotoo ka. Ito ay labanan ng pagpapakatotoo habang dinadaanan ang mga hamon ni Kuya. Hindi lang dapat na nanalo ka sa mga hamon, kailangan naipakita mo na natuto ka rin. Jane, Daniel , Vickie I chose them as my Big Three because they have shown their selves, see the challenges through its end and most of all I see them growing to be a better person inside the house.  Sila iyong mga taong nakita ko na nakisama, hinamon, nasaktan, na-disappoint, nainis/nagalit, pero bumangon at ibinigay iyong 100% ng kakayahan nila para ipakita sa mundo kung ano talaga sila. No holds barred, no reservation and most of all, they did it without losing their selves and their principles in the process.

 

For more of my opinions regarding the housemates : PBB HOUSEMATES

 

 

 

 

 

~Shyunique0609

081114

Advertisements

Comments are closed.