Daily Dairy Diarrhea Diary

Standard

Hindi ko alam kung ano eksakto ang genre ng librong ito. Pero sa nga hindi nakakaalam, this is a book by Jayson Benedicto under PSICOM publishing.

This is a diary acting as a book… Or should that be a book acting as a diary? Whichever! Pero I an sure hindi naman bago ang ganitong istulo ng libro dahil may ilan na akong nabasang ganito.

First of all, I like the way the author writes. Gusto ko ung boses nia bilang manunulat at gusto ko ung istilo nia ng pagsusulat. Simple ang atake at suwabe ang dating. Bilang supposedly ay isang Diary ang nasabing aklat, para ka talagang nagbabasa lang ng diary. Alam ko maraming tao ang makakarelate dito dahil minsan aa buhay natin ay nakaisip din tayo mag diary.

Maganda ang pagkakasulat nia ng bawat pangyayari. He had made it very realistic. And since the diary talks about heart ache and moving on, hindi maiwasang hindi ako makarelate. Probably because I have been on the same situation once and because I can feel the agony of the person writing the entries.

Book characters:
Darwin: bilang siya ang bida ng kwento ano nga ba ang masasabi ko sa kanya? Una naisip ko na parang ang OA nia. But then when I try to look back on all my guy friends who fell in love and i mean really fall in love then had their hearts broken, i came to understand where he is coming from. Seven over ten, mas madrama talaga sila when they get broken hearted. I guess it’s because they can’t talk about it the way we, females do. After na maintindihan ko ang pinanggalingan nia, I admired the way he loves. He loved whole heartedly and that’s why he was hurt that way. But then, medyo nainis din ako sa kanya… Hindi ko kasi maintindihan kung bakit mag-mo-move on na nga lang gusto pang saktan ng paulit-ulit ang sarili. Hindi naman kayang maging friend pero nag alok pa ng fruendship. And when he met Marie the first time, hindi ko alam kung hahanga ako ulit o maiinis. Hahanga na hindi niya gustong bigyan ng chance ang sarili niya dahil alam niya na mahal pa niya si ex or maiinis dahil, sinusubukan mo nga mag move on di ba? Kahit for the sake of social life lang hindi nia man lang binigyan ng pagkakataon ang sarili nia. But well, alls well that ends well.

The ex girlfriend – sorry hindi ko talaga mahagilap sa utak ko ang pangalan nia at tinatamad na akong tumayo para tingnan sa libro. Ang masasabi ko, isa siyang babaeng nakakainis… Ex nga kung makakayaya pa ng lunch wagas. Hindi ko masisi na umasa si Darwin sa second chance kasi kaasa-asa naman siya talaga. O pwede ring naiinis ako kasi point of view ni Darwin ang nabasa ko. Sa huli I was just glad na she made things clear with Darwin.

The biggest point between them? Closure. Alam ko marami ang nagsasabing cliché lang ito. Pero naniniwala ako na totoo ito. People do need it to move on. Sometimes kasi you keep hanging around because you believe that there’s still something you can do if only you would be given another chance. Iyon ang purpose ng closure. Ang sampalin at gisingin ka na wala na. Tapos na. Parang Harry Potter lang… Kahit anong hirit mo, malabo ng magkaron pa ng kasunod or mabuhay pa si Dumbledore. Nah.. Parang walang point ang explanation ko noh? At yan ay dahil kay….

Allen- ang pasimuno ng pagkakaroon ng Diary. Nakakatuwang nakakaloka sya. Uber tawa ako sa play by pause with explation marathon ng HP series. At dah diyan… Horay, sa mga geek na pinsan na walang ibang alam na paraan para matulungan ang pinsan makalimot or maka move on kundi ang magmarathon ng movies.

Marie -habang sinusulat ko ang pangalan nia ay kumakanta sa isip ko ang marie, marie, _____. Okay awat na. Baka mabawasan ang coolness nia. Yes, i find her cool too. Walang kiyeme, hindi plastic pero hindi naman OA.

As a whole ay sobrang na entertain naman ako… May napulot din akong ilang aral mula sa nga kamoteng payo ni Darwin. Medyo bitin lang. Truth be told though, i find beauty in the hanging ending that I can’t even complain. Kung broken hearted ka and you want to move on, i suggest you read this. Pero kahit hindi ka pa broken hearted, I still suggest you read it.

Nothing’s bad from having a good laugh or two and getting a little entertained.

 

 


 V.S._thewriter

Posted from WordPress for Windows Phone

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s