Seeing the Filipinos at Heart: Jolibee vs Charice

Standard
eto ay isang opinyon lang po at isang obserbasyon base sa mga sumusunod na pangyayari:
 
ang totoo ay nakalimutan ko na ang bagay na ito kung hindi ko lang napanood si charice pempenco sa isang interview nung nakaraang araw. at as usual, hindi na naman ako matatahimil hanggat hindi ko nailalabas ang laman nang isip ko. pero bago ako magpatuloy isang desclaimer lang po: HINDI AKO FAN NI CHARICE KAYA KO SASABIHIN ITO.
 
eto na….
 
may isang buwan na yata ang nakakaraan nang makabasa ako nang sandamakmak na post sa FB dahil sa di umano ay ang paglabas nang jollibee sa Glee. hindi ko alam kung ang post ba na iyon ay dahil natutuwa ang mga Pilipino na lumabas ang JB sa Glee o dahil ba proud sila na lumabas ang Jollibee sa Glee. marahil ay ang pareho. pero sa kabila nang pagbaha nang komentaryo sa bagay na iyon, ang reaksiyon ko lang: “eh ano ngayon?”
 
pero ito ang hindi ko napalamps… lumbas ang balitang magiging parte si Charice P nang Glee, bumaha ang comments at ang mga post tungkol dito maging text messages. pero marami sa mga iyon ay negative. hindi ako fan ni charice pero sa totoo lang, nalungkot ako sa ganitong reaksiyon nang mga kababayan ko. 
 
Isang Pilipino si Charice, para sa akin isang karangalan bilang Pilipino ang maisama siya sa naturang palabas. hindi ba at mas may dahilan naman na matuwa ka na ang isang Charice Pempengco ay nasama sa Glee kesa ang Jollibee. 
 
I’m not a fan of Charice but I am a Filipino and as such I take pride of what she does. Hindi ko sinasabing matuwa ka rin sa kanya pero sana huwag mo itong pulaan na para bang may nagawa ka naman para sa bayan mo.
 
Kahit maraming ikapupula sa Pilipinas, Proud ako na isa akong Pilipino. pero sa totoo lang minsan, hindi ang corrupt na gobyerno, ang maraming mahihirap, bagsak na ekonomiya ang dahilan kung bakit nakakainis maging Pilipino, kundi ang mga kapwa mo Pilipino mo na wala man lang pagmamahal sa sarili nilang bayan na akala mo naman ay may nagawa sila para dito. 
 
Hinahangaan ko ang mga Hapon hindi dahil mas maganda ang bayan nila kesa sa atin. hinahangaan ko sila dahil sa klase nang pagmamahal na meron sila para sa bayan nila. kung ang mga pilipino ay magkakaroon nang klase nang pagkabayan na meron sila kahit katiting lang, mas malaki siguro ang pag-asa nang Pilipinas na umunlad.
 
Kung sinang-ayunan mo ang kahit konti lang sa mga sinabi ko, salamat, at tiyak magkakasundo tayo…
 
kung tinamaan ka naman… salamat din.. hindi pa lubusang kumukupas ang pagka Pilipino mo.
 
at kung pinagtatasan mo ako nang kilay sa mga sandaling ito.. well, pasensyahan na lang tayo pero opinyon ko ‘to at nakikibasa ka lang.. hehe
 
ayun.. nailabas ko na ang gusto kong sabihin.

-cross posted from multiply
blog entry July 5, 2010
Advertisements

About shyunique

accountant by profession, a dreamer by heart, and a frustrated artist by nature ___________________________________________________________________________________ The only thing that stands between a person and what they want in life is the will to try and the faith to believe it's possible.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s